BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Monday, June 28, 2010

Have some...LOVE?

Chapter Two

Habang nasa biyahe sakay ng MRT, hindi na maalis ang ngiti sa kanyang mga labi na napagkakamalang baliw kung hindi lamang sa ganda ng kanyang mukha. Panatag na siyang makakapasa sa presentation niya para makapasok sa isang prestiyosong Hotel and Restaurant na matagal na niyang pangarap. Bata pa lang si Jenny ay mahilig na siyang magluto sa tulong ng kanyang magaling na ina, Naituro sa kanya ang iba’t ibang klaseng paraan ng pagluluto at magpasa ng mga sikretong putaheng magagamit niya sa kanyang kurso.

Pagkababa niya sa MRT, lakad-takbo siyang nakipag-unahan sa kapwa pasahero upang huwag maipit sa pila sabay tingin sa relo.

“May oras pa” wika sa sarili habang naglalakad papunta sa may sakayan ng jeep.

Pagpasok pa lamang niya sa pagdadausan ng presentation, bumulaga na agad sa kanya ang elegante at sopistikadong pagkakaayos ng mga kasangkapan at mga gamit sa kusina. Mga kasangkapang hindi maikakailang gawa sa isang may magandang kalidad, mga stainless steel na mga kitchen table at sink na nakamamanghang pagmasdan sa ganda at kintab ng mga ito.

Natuon ang kanyang paningin sa isang lalaking animo’y bagot sa kanyang kinauupuan. Kahit nakabugnot ang kanyang mukha, hindi niya maikakailang ang estranghero ay may magandang mata, makapal na mga kilay na tumugma naman sa kanyang mahahabang pilik mata, matangos na ilong, at labing kay pula at nanghahalina. May kakisigang pangangatawan na tinatago ng pormal na pananamit.

Nang mapansin ng lalaki na nakatitig si Jenny sa kanya ay agad na ngumiti si Jenny ngunit isang ismid lamang ang iniganti ng estranghero at umiwas na ng tingin.

“Hmp! Sungit!,” na napaismid na rin sa inasal ng lalaki.

“Jenny!” sigaw ni Mara nang makita siyang nakatayo at agad na lumapit.

“Bakit ngayon ka lang?’ tanong ni Mara na kanyang kaklase at matalik na kaibigan.

“Ah kasi, uhmm natrapik lang” pagsisinungaling ni Jenny sa kaibigan.

Alam niya kasi na kapag nalaman niyang nahirapan siya sa pageeksperimento at tiyak niyang babatukan lamang siya nito. Si Jenny kasi ang nagaya kay Mara na mag-apply sa trabahong ito. Pumayag naman si Mara para na rin sa kanyang kasiyahan na makasama ang kanyang bestfriend sa trabaho. Ngunit kung tutuusin ay hindi kailangan ni Mara ang trabahong ito dahil bukod sa nakaririwasa siya sa buhay ay may nagaantay sa kanyang mana na matagal ng ibinigay sa kanya ngunit tumatangging kunin.

“Ilang minuto na lang at magsisimula na” wika ni Mara habang hinahatak si Jenny papunta sa mesang inihanda para kay Jenny.

“Teka, nakita mo ba yung lalaki dun” turo ni Jenny sa lugar kung saan niya ang isnaberong lalaki.

“Saan?”

“Nandyan lang yan” sabi ni Jenny na nagtaka sa biglang pagkawala ng lalaki.

“Hay nako! ‘wag nga muna lalaki ang atupagin mo” pabiro ni Mara sa kaibigan.

“Pero nandyan talaga yung lalaki, inisnab nga ko e”

“Si Jenny Smith inisnab?!” patawang komento ni Mara.

“Ewan ko ba dun sa kung sino man yun”

“Ayusin mo na nga lang yang mga gagamitin mo”.

“Sabi ko nga” wika ni Jenny at nagsimulang ayusin ang mga gagamitin.

“Maari na kayong magsimula” wika ng facilitator matapos ang ilang minuto at sabay-sabay na nagsimula ang lahat ng aplikante.

Thursday, June 10, 2010

Have some...LOVE?

Chapter One


Alas cuatro na ng madaling araw ngunit gising pa si Jenny. Inaantay nya kasi maluto ang kanyang eksperimentong dish na kanyang gagamitin para sa kanyang presentation bukas.

"Naku, paano na 'to?" wika na lamang nya ng hindi nya makuha ang nais ng kanyang panlasa.

"Ate hindi ka pa ba matutulog?" biglang sulpot ni Moy na tila naalimpungatan ng gising.
"Malapit na 'to".
"Matulog ka na, maaga ka pa bukas" utos na kala mo ay ang nakatatandanh kapatid ni Jenny.
"Oo, matulog ka na ulit" wika ni Jenny.

Ngunit inabutan na siya ng bukang-liwayway kakaisip sa kulang na sangkap.

"Ate, ate, gising na, umaga na!" yugyog-gising ni Moy sa kanyang ateng nakatulog sa mesa ng kanilang kainan.
"Naku, patay na!"

Habang abala sa paglilinis ng kalat si Jenny ay takas na lumabas si Moy upang umutang kay Aling Rosa sa tindahan.

"Late na ako!"wika ni Jenny sa sarili matapos ang ilang minutong pag-aayos ng kalat at dali-daling pumasok sa banyo.

Mag-aalas sais na ng umaga at kailangan nyang makarating sa Makati ng alas-otso dahil aayusin pa niya ang kanyang mga gagamitin para sa presentation. Kulang- kulang isa't kalahating oras ang byahe nya mula San Mateo hanggang Makatikung wala pang trapik. Kung hindi lamang siguro namatay ang kanyang mga magulang sa aksidente, disin sana'y nakatira sila ngayon sa mga sosyal na lugar at hindi nagtitiis sa masikip at mabahong lugar na kinatitirikan ng kanilang bahay. Disin sana’y nakakapag-aral ngayon si Moy kahit sa isang pampublikong paaralan. Disin sana’y maganda na ngayon ang kanilang buhay. Ngunit ganoon talaga, hindi mo masasabi kung kailan ka giginhawa sa buhay.

Matapos ang sandaling pagligo,agad na nagbihis si Jenny na lilinga-linga sa orasan.

“Naku naman!” pigil-inis ni Jenny sa sarili at nagmamadaling umupo sa harap ng may katamtamang laking salamin at nagsimulang ayusin ang sarili. Sa kanilang lugar, hindi maitatangging isa siya sa mga kinaiinggitang mukha. Hindi dahil ang mukha nya’y mala-Diyosa sa ganda ngunit sa kasimplehan ng kanyang mukha.Siya’y may maliit na mukha, katamtamang laki ng mata, matangos na ilong na namana niya sa kanyang namayapang ama, makintab at mahabang buhok, labing nangaanyaya, balingkinitang katawan at malaporselanang kutis na namana rin niya sa kanyang Amerikanong ama.

Ngayo’y handa na siyang umalis ng biglang pumasok si Moy ng bahay.
“Sa’n ka galling?” tanong ng nakaganyak nang si Jenny.
“Diyan sa mga tindahan, nangutang” wika ni Moy.
“Ate nga pala yung utang mo daw kina Aling Rosa at Aling Maria, bayaran mo na daw”.

Utang na naman. Hindi ilang beses na patakas siyang dumadaan sa tindahan ni Aling Rosa at Aling Maria upang hindi siya masingil ng mga ito. Wala pa kasi ang kanyang sweldo sa part-time job nya bilang isang helper ng karinderya.

“ Sabihin mo sakana. Alam mo namang wa-“ putol nya sa kanyang sinasabi na tila naging estatwa na ipinagtaka naman ni Moy.

“Ate?”

“Aaaaahhh!” sigaw ni Jenny na malamang ay makagising ng mga natutulog na kapitbahay. Bigla namang nataranta si Moy sa pagsigaw ng kanyang ate.

“Ate, ‘wag ka ngang maingay! Baka sabihin ng kapitbahay nanalo atyo sa lotto at biglang maalala ang mga utang natin!” biro ni Moy.

“Ang galing mo talaga Moy!” napakasayang wika ni Jenny sa ngayo’y nakakunot na noo sa kapatid.

“Magaling? Parang ‘di naman!”.

“Basta thank you! Thank you! Ang galing mo talaga!” wika ni Jenny na masayang umalis ng bahay.

“Sabi mo e, e ‘di magaling!” patawang wika ng ngayo’y naalala ang gutom na si Moy.

“Ate! Anong kakainin ko?” sigaw niya sa ate na hindi na niya matanaw.At naisip na mukhang ang eksperimentong pagkain na gawa ng kanyang ate ang kanyang kakainin para sa almusal at pananghalian.

To be continued…

Tuesday, June 8, 2010

a new beginning

....

Guys please support my first ever story!.. HAHAHA!

This is my first time writing a story.. a love story to be specific...

please support my work...

HEHEHE!

thanks so much!

i'm gonna post it here in my blog and the link on my facebook..

thanks again..

Tuesday, June 1, 2010

...my wish...

Sa mga oras na ito, habang sinusulat ko ang blogpost na ito, bukas ang tv sa kaliwa ko at ang palabas ay face to face ni amy perez (katatapos lang kasi ng PBB). Well anyway, eto na, nagiipon lang ako ng memories para masimulan na ang totoong pakay ng blog na ito.

Intramuros, Luneta,San Pedro, Laguna,at syempre ang PUP...

Mga lugar na di ko makakalimutan. Kung tatanungin nyo kung bakit, sabihin na lang natin na dito sa mga nasabing lugar ko nakita, nakatagpo at nakasama ang mga taong bumuo sa BUHAY KOLEHIYO ko. Sina Des, Rochene, Carpal, Rafael,basta marami pa.

Ngayon na may mawawala, ating alalahanin ang mga bagay na bumabalik-balik sa ating mga isipan kapg sila'y ating naaalala.

Unahin na natin si Desiree...

Noong umpisa ng buhay kolehiyo ko, aaminin kong hindi ko kaagad siya nakasundo. Kasi naman sila Rico at Von lang halos lagi kong kasama. Anyways, napansin ko na maingay syang tao, makulit, magaling makisama, at ewan ko ba, medyo ilag ako sa mga babae noong first sem. Pero habang tumatagal ang ating pagsasama, nakikita ko yung panu ba talaga kapag kasama ang isang Des. Masaya, puro kantahan (dahil sa techi na fone nya), non-stop pictorial din with the help of her fone ulit, laging may galaan kung hindi man sa SM eh napapadpad kami sa mga malalayong lugar na ngayon ko pa lang napuntahan... Basta masaya kapag kasama si Des...

Sunod naman ay si Chene...

Rochene, Chene sa iba, CF sa mga DARK, prinsesa kay toOt... hahaha!!
katulad ni Des, noong mga unang buwan ng aking buhay kolehiyo, hindi rin ako ganoon kalapit sa kanya. Nakikita ko na maingay, medyo tahimik din kung minsan (anu daw? an gulo!) pero tunay na mabait, masarap din kasama kasi ang dami naming napagkekwentuhan tungkol sa buhay-buhay. Lagi nya rin akong tinatawag na KATIE (galing ata yung name na yun sa isang bida sa horror movie - Paranormal Activity to be exact). magaling din sya sa prankahan in a good way naman. Hindi sya nahihiyang sabihin kung anuman ang gusto nyang sabihin dahil alam naman nyang iyon ay sa ikabubuti ng kanyang sinasabihan. Grbe din sya magmahal (panu ba ito eexplain?) Basta hindi sya yung tipo ng babae na kapag mahal na sya ng isang lalaki eh mahal na din nya.

Moving on... kay Carpal naman tayo...

Si Carpal, Carpy, Carpipun, Carpse (Corpse!) wahahaha!! Jokes lang President!
Hay naku.. ang isa sa mga taong aming nirespeto (tama nga ba?!) hindi dahil sya ang aming Class president, kundi dahil syang may karunungang hindi mapantayan ng iba. Ang mga advice niya sa mga isyung kinakailangan ng isang magandang payo mula sa isang may kakaibang pananaw sa buhay. Sa aming classroom, isa sya sa mga taong aking hinangaan dahil sa galing niya sa ibang bagay na malabong maabot ng isang ordinaryong estudyante. May isang matatag na paninindigan sa mga desisyong binibitawan, may malasakit sa iba (kapag magrerelease na ng regi!^^)Hindi rin sya yung taong outcast, marunong siyang bumagay sa mga ugali ng iba, marunong din makipagbiruan sa iba naming mga kaklase lalo na kay Von. Tunay ko siyang hinangaan dun sa mga panahong kinailangan ng isang presidenteng tatayo para sa kabuuan ng pordee na may kinalaman sa pagrereklamo sa isang guro. Kahit na maari syang pagbuntungan ng galit ng gurong inirereklamo.

At ang huli pero nangunguna para sa akin.. Raf...

Isang misteryosong lalaki, weird kung baga, may mga ugaling kaiinisan ng ibang taong hindi siya nakikilala, ngunit may mga ugali ding ikinatutuwa ng iba. Noong una ko siyang nakita, pumasok na agad sa utak ko na "makakasundo ko ang taong ito" dahil sa mga kadahilanang nakikita ko ang sarili ko sa kanya. ngunit higit pa pala dun ang magiging resulta ng aming pagiging magkaklase. Naging tropa ko sya sa Homers, naksama sa Laguna trips (malamang bahay nya yon!) at hanggang sa...
(o0ops... teka hanggang dun na lang muna ang description...)Ayun, nagkahulugan na...sa upuan.. hehehe..basta isa sya ngyon sa mga malalapit na tao sa buhay ko.


Sa mga nasabi ko sa blog na ito, lahat ng iyon ay base lamang sa aking mga obserbasyon habang kayoy aking nakasama sa maikling panahon. Maaaring ang iba ay mali, walang katotohanan. Ang iba naman ay may hawig na rin sa katotohanan. Ngunit sa mga sinabi ko, lahat ng iyon ay taos sa puso ko. Hindi nyo man madama, alam ko naman sa sarili ko na iyon ang dapat na nilalaman ng blog na ito. Kung ayaw nyo man tanggapin ang mga sinabi ko, pasensya na, siguroy hindi ko pa kayo ganoon kakilala para bigayn ng hatol ang inyong mga personlidad. Sorry.

Ngayoy kayoy lilisan sa seksyon kung saan ko kayo nakilala, nakita, nakasama, hindi ko na alam kung magiging isang katotohanan pa ang mga nakalagay dito. Hindi ko na kasi kayo maoobserbahan katulad ng dati na lagi ko kayong nakikita sa inyong mga silya habang abala sa mga kanya-kanyang ginagawa. Hindi ko na rin matutuloy yung mga kwentuhan kapag walang prof, wala na rin ang tawanan sa bawat kanto ng room kung saan kapag inaasar ng buong klase si Von, wala na rin yung mga magpapatugtog ng mga kanta habang sinasabayan ang mga kalampagan ng desk upang makasabay sa beat ng kanta, wala na rin ang paprangka sa mga taong walang magawa sa buhay, wala na ring magta-tag ng photos sa fb, pupuno sa mga wall comments, wala ng presidenteng kukuha ng regi namin kapag release na ng mga regi form, wala na ring tatayong representate ng buong klaseng haharap sa dean upang magreklamo sa dean dahil sa mga prof na hindi umaatend sa aming klase, wala ng magiging gabay ko sa daan kapag tatawid, wala na akong katabi sa upuan kapag nanonood ng sine, wala ng mahihiraman ng twilight saga na mga libro, wala na ring mga taong lagi kong kasama kumain sa lagoon, wala ng Laguna trips kapag may practice set na dapat sagutan, at marami pang wala na...

Sa bagong daan na inyong tatahakin, wag nyo sanang kalimutan ang pangalang CATHERINE SALVO, sana hindi nyo burahin sa mga phonebook ninyo ang numero ko, sana di nyo rin ako alisin sa distribution list nyo kapag magjijiem kayo sa lahat. Mga hiling kong walang katuturan para sa iba, ngunit napakalaking bagay para sa akin, takot ako... takot akong malimutan ng mga taong naging parte ng buhay ko. Takot akong biglang isang araw, hndi na ako mahal ng mga taong mahal na mahal ko at sabihing kalimutan ko na sila dahil hindi na sila babalik pa. Takot ako...

Pasensya na sa kadramahan ko...

Pasensya na rin kung yung iba eh mga may typographical error. Hindi ko na kasi makita yung mga letra sa keyboard, pinanlalabo na kasi ng mga uha ko yung mata ko. Ayun lang...

Hiling ko lang. Sa paglalakad nyo sa bagong daan na inyong tatahakin, sana man lang, kahit sa bulsa na lang,kahit wag na sa utak o puso, sana andun pa rin ang Cathy na nakasama nyo sa BSA 1-4D, nakakwentuhan, nakatext, nkakilitian, nakadebate, nakasama sa galaan.

Yun lang tanging hiling ko...

Goodluck na lang sa bagong daan..
Magkukrus pa din mga daan natin.

I LOVE YOU ALL!!!

..its time to say goodbye..

... t0 aLl da pEoPLe Whod Share My lIfE wiTh...
... t0 alL da HappEniNgs...


iTs tiMe to Say g0oDbYe...

bUt evEn tHough wE aRe g0inG iN oUr sEpaRatE wAys...

s0mEhow..

s0mEwaY..

s0mEwHen..

s0mEwHere..


oUr paTHs wILL sUreLy meEt aGaiN....

But for n0w.. wE shOuLd exPand oUr bOundAriEs aNd mEet New pE0pLe...
But pLeAse.. d0nT evEr f0rGet tHe LaUgHteRs, s0rRows, c0nFLiCts.. aNd The sMiLes iN ouR fAces..

♥♥♥ go0dByE... fRiEndS, tiLL wE mEet aGain...♥♥♥


.....


Isang sulat na inihandog ko para sa mga taong naging bahagi ng buhay ko. Mga taong nagbigay inspirasyon sa lahat ng bagay na dinanas ko. Mga taong naging malapit sa aking puso kahit na kung minsan ay nagkakaroon ng tampuhan dahil sa mga dahilang hindi naman dapat na pinoproblema.

At ngayon, may aalis na naman sa mga naging parte na ng buhay ko lalo na ngayong college, hindi ko alam kung paano ako makakapag-adjust sa bagong daan na aming tatahakin ngayong wala na kayo.

Sa BSA 1-4D, 'di ko maikakailang naging masaya ako sa mga panahong iyon. Mga tawanan, biruan,galaan, asaran na kung minsan ay nauuwi sa tampuhan ng isa at marami pang iba. Sa halos lagpas na isang taong pagsasama natin, aaminin kong nakakita ako ng mga bagong kaibigan. Andyan ang HOMERS, D.A.R.K feat. POGI, mga CHIKADORAS, 'di rin mawawala ang mga STUDIOUS na aming mga kaklase, mga DOTA BOYS na 'di papatalo sa mga larong kanilang sinasalihan.
Sa mga grupong aking nabanggit, naging malapit sa akin ang HOMERS
at ang D.A.R.K feat POGI. Dahil sa kanila naging masaya ang buhay kolehiyo ko kahit pa andyan ang isang katerbang mga assignments na tila isang package na kailangang sagutan lahat, mga reportings na kailangang pinaghandaan at may parent-rent pa ng LCD Projector, mga requirements na super habol sa deadline kapag ubod ng busy sa iba pang mga bagay at marami pang iba. Sa HOMERS, nakilala ko sina Jerick,ang hopeless romantic ng grupo at sinasabing discreet daw, Jayson, ang emotero ng grupo na kung asarin lang sandali ay iiyak at magtatampo na, Rico, ang ever adik sa dance mania at dance revo at may pagkamalas din sa mga babaeng nagugustuhan, Cathy, ang inyong bidang nagiisang babae sa grupo na mahilig maglaro ng soul calibur at manood ng sine, Jral,ang computer adik sa grupo na mahlig maglaro ng cabal with his kapatid carpal, Raf, ang kapatid ni jral na mahilig din maglaro ng dance revo at dance mania kasama nila rico at jerick at ang huli pero hindi nagpapahuling si Von ang girl wanna be ng grupo na close friend qoh pagdating sa boys at movie watching. Yan ang bumubuo sa homers. Sa DARK feat POGI naman, Andyan si Des na mahilig sa mga techi na gadgets na mahilig magfacebook sa araw lalo na sa gabi, si Aldie na laging napagkakamaling galit dahil sa tono ng boses at ekspresyon ng mukha, si Rochene na mabait at ang darling ng kanilang grupo (tama ba?!), Kam na sinasabing nakadroga sa mga trip nyang tawa ang inaani. at mga pogi ng kanilang grupo si Rusty, ang ubod ng hanging nilalang na pinagpipilitang sinalo na daw nya ang lahat ng kagwapuhan sa mundo. Silang lahat ang nagpasaya sa akin.

Sa maikling panahon ng aming pagsasama, marami ang nabuo sa aming lahat. Ang mga crush, love, links, loveteam at kung anu-ano pang maaring mangyari sa amin. Hindi ko man masabi lahat ng gusto kong sabihin, alam ko na alam nyo naman lahat ng ating mga napagdaanan kaya mas mabuting alalahanin na lamang ang mga iyon at mamutawi sa ating mga isip.

Sa mga aalis, ingat na lang. Wala sanang magbago sa kung ano man ang nabuo natin sa isa't isa. Wala sanang makalimot sa mga mukhang naging bahagi ng pang araw-araw na pananatili nyo sa BSA 1-4D.

Maraming salamat at hinayaan nyo kaming maging bahagi ng isang maikling pelikula ng buhay ninyo. At sana'y hindi pa dito matapos ang lahat. Magkikita tayong lahat ulit na may ngiti sa ating mga labi at magkakamustahan sa kung ano na ang narating natin sa ating mga buhay.

Paalam, walang kalimutan, teks-teks pa rin hah?!
Love you all...

Keep on soaring...<3

..first time ever..

...

haisst..
teka lang..

ummm..

wala ako maisip..
hehehe.. (tawa!)

sige ganito..
start!

wala lang.
eto na talaga..

FIRST TIME ko gumawa ng blog. Ewan ko ba kung bakit gustong custo ko magkaroon nito.
Actually this is one of my frustrations na 'di mko magawa-gawa (ewan ko ba kung bakit?!). Anyways, kahit frustrated ako sa bagay na ito, i really dont know how to make a good blog. Pero dahil may pagka-churvah (anu daw?!)ang writer nakiki-churvah na lang ako (anu daw ulit?!).

Pero sa katotohanan, mahilig talaga akong magsulat, di ko lang sure kung gusto din ba ako ng pagsusulat.Sa tingin ko naman eh magiging friends kami. (me ganun?!)

hahaha..

...

wala na ulit ako maisip..
naman kase eh..
mejo nagshu-shut down na tong utak ko eh. Kata wala ng pumapasok sa utak na nirentahan ko lang.. (tawa!)
tska mejo late na rin kase eh para magisip para sa isang batang antukin at masyadong maraming iniisip sa buhay-buhay ng kung ano mang pumasok sa isip ko.

( Brain is now shutting down... )

Nagsignal na si brainy. Kailangan ng magpahinga at mapapagod na naman ito bukas kase LOGIC!!!! (galit?!) na naman yung subject namin. (Sana wala ulit si sir!)

Pagpasensyahan nyo na itong first post ko hah?! mejo nagkaroon lang ng shortage!
pero promise gagawa na ko ng mejo matino..

byiee..
(yawn!)


...
hImE kYiaShi