Sa mga oras na ito, habang sinusulat ko ang blogpost na ito, bukas ang tv sa kaliwa ko at ang palabas ay face to face ni amy perez (katatapos lang kasi ng PBB). Well anyway, eto na, nagiipon lang ako ng memories para masimulan na ang totoong pakay ng blog na ito.
Intramuros, Luneta,San Pedro, Laguna,at syempre ang PUP...
Mga lugar na di ko makakalimutan. Kung tatanungin nyo kung bakit, sabihin na lang natin na dito sa mga nasabing lugar ko nakita, nakatagpo at nakasama ang mga taong bumuo sa BUHAY KOLEHIYO ko. Sina Des, Rochene, Carpal, Rafael,basta marami pa.
Ngayon na may mawawala, ating alalahanin ang mga bagay na bumabalik-balik sa ating mga isipan kapg sila'y ating naaalala.
Unahin na natin si Desiree...
Noong umpisa ng buhay kolehiyo ko, aaminin kong hindi ko kaagad siya nakasundo. Kasi naman sila Rico at Von lang halos lagi kong kasama. Anyways, napansin ko na maingay syang tao, makulit, magaling makisama, at ewan ko ba, medyo ilag ako sa mga babae noong first sem. Pero habang tumatagal ang ating pagsasama, nakikita ko yung panu ba talaga kapag kasama ang isang Des. Masaya, puro kantahan (dahil sa techi na fone nya), non-stop pictorial din with the help of her fone ulit, laging may galaan kung hindi man sa SM eh napapadpad kami sa mga malalayong lugar na ngayon ko pa lang napuntahan... Basta masaya kapag kasama si Des...
Sunod naman ay si Chene...
Rochene, Chene sa iba, CF sa mga DARK, prinsesa kay toOt... hahaha!!
katulad ni Des, noong mga unang buwan ng aking buhay kolehiyo, hindi rin ako ganoon kalapit sa kanya. Nakikita ko na maingay, medyo tahimik din kung minsan (anu daw? an gulo!) pero tunay na mabait, masarap din kasama kasi ang dami naming napagkekwentuhan tungkol sa buhay-buhay. Lagi nya rin akong tinatawag na KATIE (galing ata yung name na yun sa isang bida sa horror movie - Paranormal Activity to be exact). magaling din sya sa prankahan in a good way naman. Hindi sya nahihiyang sabihin kung anuman ang gusto nyang sabihin dahil alam naman nyang iyon ay sa ikabubuti ng kanyang sinasabihan. Grbe din sya magmahal (panu ba ito eexplain?) Basta hindi sya yung tipo ng babae na kapag mahal na sya ng isang lalaki eh mahal na din nya.
Moving on... kay Carpal naman tayo...
Si Carpal, Carpy, Carpipun, Carpse (Corpse!) wahahaha!! Jokes lang President!
Hay naku.. ang isa sa mga taong aming nirespeto (tama nga ba?!) hindi dahil sya ang aming Class president, kundi dahil syang may karunungang hindi mapantayan ng iba. Ang mga advice niya sa mga isyung kinakailangan ng isang magandang payo mula sa isang may kakaibang pananaw sa buhay. Sa aming classroom, isa sya sa mga taong aking hinangaan dahil sa galing niya sa ibang bagay na malabong maabot ng isang ordinaryong estudyante. May isang matatag na paninindigan sa mga desisyong binibitawan, may malasakit sa iba (kapag magrerelease na ng regi!^^)Hindi rin sya yung taong outcast, marunong siyang bumagay sa mga ugali ng iba, marunong din makipagbiruan sa iba naming mga kaklase lalo na kay Von. Tunay ko siyang hinangaan dun sa mga panahong kinailangan ng isang presidenteng tatayo para sa kabuuan ng pordee na may kinalaman sa pagrereklamo sa isang guro. Kahit na maari syang pagbuntungan ng galit ng gurong inirereklamo.
At ang huli pero nangunguna para sa akin.. Raf...
Isang misteryosong lalaki, weird kung baga, may mga ugaling kaiinisan ng ibang taong hindi siya nakikilala, ngunit may mga ugali ding ikinatutuwa ng iba. Noong una ko siyang nakita, pumasok na agad sa utak ko na "makakasundo ko ang taong ito" dahil sa mga kadahilanang nakikita ko ang sarili ko sa kanya. ngunit higit pa pala dun ang magiging resulta ng aming pagiging magkaklase. Naging tropa ko sya sa Homers, naksama sa Laguna trips (malamang bahay nya yon!) at hanggang sa...
(o0ops... teka hanggang dun na lang muna ang description...)Ayun, nagkahulugan na...sa upuan.. hehehe..basta isa sya ngyon sa mga malalapit na tao sa buhay ko.
Sa mga nasabi ko sa blog na ito, lahat ng iyon ay base lamang sa aking mga obserbasyon habang kayoy aking nakasama sa maikling panahon. Maaaring ang iba ay mali, walang katotohanan. Ang iba naman ay may hawig na rin sa katotohanan. Ngunit sa mga sinabi ko, lahat ng iyon ay taos sa puso ko. Hindi nyo man madama, alam ko naman sa sarili ko na iyon ang dapat na nilalaman ng blog na ito. Kung ayaw nyo man tanggapin ang mga sinabi ko, pasensya na, siguroy hindi ko pa kayo ganoon kakilala para bigayn ng hatol ang inyong mga personlidad. Sorry.
Ngayoy kayoy lilisan sa seksyon kung saan ko kayo nakilala, nakita, nakasama, hindi ko na alam kung magiging isang katotohanan pa ang mga nakalagay dito. Hindi ko na kasi kayo maoobserbahan katulad ng dati na lagi ko kayong nakikita sa inyong mga silya habang abala sa mga kanya-kanyang ginagawa. Hindi ko na rin matutuloy yung mga kwentuhan kapag walang prof, wala na rin ang tawanan sa bawat kanto ng room kung saan kapag inaasar ng buong klase si Von, wala na rin yung mga magpapatugtog ng mga kanta habang sinasabayan ang mga kalampagan ng desk upang makasabay sa beat ng kanta, wala na rin ang paprangka sa mga taong walang magawa sa buhay, wala na ring magta-tag ng photos sa fb, pupuno sa mga wall comments, wala ng presidenteng kukuha ng regi namin kapag release na ng mga regi form, wala na ring tatayong representate ng buong klaseng haharap sa dean upang magreklamo sa dean dahil sa mga prof na hindi umaatend sa aming klase, wala ng magiging gabay ko sa daan kapag tatawid, wala na akong katabi sa upuan kapag nanonood ng sine, wala ng mahihiraman ng twilight saga na mga libro, wala na ring mga taong lagi kong kasama kumain sa lagoon, wala ng Laguna trips kapag may practice set na dapat sagutan, at marami pang wala na...
Sa bagong daan na inyong tatahakin, wag nyo sanang kalimutan ang pangalang CATHERINE SALVO, sana hindi nyo burahin sa mga phonebook ninyo ang numero ko, sana di nyo rin ako alisin sa distribution list nyo kapag magjijiem kayo sa lahat. Mga hiling kong walang katuturan para sa iba, ngunit napakalaking bagay para sa akin, takot ako... takot akong malimutan ng mga taong naging parte ng buhay ko. Takot akong biglang isang araw, hndi na ako mahal ng mga taong mahal na mahal ko at sabihing kalimutan ko na sila dahil hindi na sila babalik pa. Takot ako...
Pasensya na sa kadramahan ko...
Pasensya na rin kung yung iba eh mga may typographical error. Hindi ko na kasi makita yung mga letra sa keyboard, pinanlalabo na kasi ng mga uha ko yung mata ko. Ayun lang...
Hiling ko lang. Sa paglalakad nyo sa bagong daan na inyong tatahakin, sana man lang, kahit sa bulsa na lang,kahit wag na sa utak o puso, sana andun pa rin ang Cathy na nakasama nyo sa BSA 1-4D, nakakwentuhan, nakatext, nkakilitian, nakadebate, nakasama sa galaan.
Yun lang tanging hiling ko...
Goodluck na lang sa bagong daan..
Magkukrus pa din mga daan natin.
I LOVE YOU ALL!!!
Tuesday, June 1, 2010
...my wish...
Posted by ..hImE kYiaShi.. at 11:40 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

1 comments:
Ako ay natuwa. Lalo na sa last sentence ng part ko. :) Thanks, Katie. ♥
Post a Comment