Chapter One
Alas cuatro na ng madaling araw ngunit gising pa si Jenny. Inaantay nya kasi maluto ang kanyang eksperimentong dish na kanyang gagamitin para sa kanyang presentation bukas.
"Naku, paano na 'to?" wika na lamang nya ng hindi nya makuha ang nais ng kanyang panlasa.
"Ate hindi ka pa ba matutulog?" biglang sulpot ni Moy na tila naalimpungatan ng gising.
"Malapit na 'to".
"Matulog ka na, maaga ka pa bukas" utos na kala mo ay ang nakatatandanh kapatid ni Jenny.
"Oo, matulog ka na ulit" wika ni Jenny.
Ngunit inabutan na siya ng bukang-liwayway kakaisip sa kulang na sangkap.
"Ate, ate, gising na, umaga na!" yugyog-gising ni Moy sa kanyang ateng nakatulog sa mesa ng kanilang kainan.
"Naku, patay na!"
Habang abala sa paglilinis ng kalat si Jenny ay takas na lumabas si Moy upang umutang kay Aling Rosa sa tindahan.
"Late na ako!"wika ni Jenny sa sarili matapos ang ilang minutong pag-aayos ng kalat at dali-daling pumasok sa banyo.
Mag-aalas sais na ng umaga at kailangan nyang makarating sa Makati ng alas-otso dahil aayusin pa niya ang kanyang mga gagamitin para sa presentation. Kulang- kulang isa't kalahating oras ang byahe nya mula San Mateo hanggang Makatikung wala pang trapik. Kung hindi lamang siguro namatay ang kanyang mga magulang sa aksidente, disin sana'y nakatira sila ngayon sa mga sosyal na lugar at hindi nagtitiis sa masikip at mabahong lugar na kinatitirikan ng kanilang bahay. Disin sana’y nakakapag-aral ngayon si Moy kahit sa isang pampublikong paaralan. Disin sana’y maganda na ngayon ang kanilang buhay. Ngunit ganoon talaga, hindi mo masasabi kung kailan ka giginhawa sa buhay.
Matapos ang sandaling pagligo,agad na nagbihis si Jenny na lilinga-linga sa orasan.
“Naku naman!” pigil-inis ni Jenny sa sarili at nagmamadaling umupo sa harap ng may katamtamang laking salamin at nagsimulang ayusin ang sarili. Sa kanilang lugar, hindi maitatangging isa siya sa mga kinaiinggitang mukha. Hindi dahil ang mukha nya’y mala-Diyosa sa ganda ngunit sa kasimplehan ng kanyang mukha.Siya’y may maliit na mukha, katamtamang laki ng mata, matangos na ilong na namana niya sa kanyang namayapang ama, makintab at mahabang buhok, labing nangaanyaya, balingkinitang katawan at malaporselanang kutis na namana rin niya sa kanyang Amerikanong ama.
Ngayo’y handa na siyang umalis ng biglang pumasok si Moy ng bahay.
“Sa’n ka galling?” tanong ng nakaganyak nang si Jenny.
“Diyan sa mga tindahan, nangutang” wika ni Moy.
“Ate nga pala yung utang mo daw kina Aling Rosa at Aling Maria, bayaran mo na daw”.
Utang na naman. Hindi ilang beses na patakas siyang dumadaan sa tindahan ni Aling Rosa at Aling Maria upang hindi siya masingil ng mga ito. Wala pa kasi ang kanyang sweldo sa part-time job nya bilang isang helper ng karinderya.
“ Sabihin mo sakana. Alam mo namang wa-“ putol nya sa kanyang sinasabi na tila naging estatwa na ipinagtaka naman ni Moy.
“Ate?”
“Aaaaahhh!” sigaw ni Jenny na malamang ay makagising ng mga natutulog na kapitbahay. Bigla namang nataranta si Moy sa pagsigaw ng kanyang ate.
“Ate, ‘wag ka ngang maingay! Baka sabihin ng kapitbahay nanalo atyo sa lotto at biglang maalala ang mga utang natin!” biro ni Moy.
“Ang galing mo talaga Moy!” napakasayang wika ni Jenny sa ngayo’y nakakunot na noo sa kapatid.
“Magaling? Parang ‘di naman!”.
“Basta thank you! Thank you! Ang galing mo talaga!” wika ni Jenny na masayang umalis ng bahay.
“Sabi mo e, e ‘di magaling!” patawang wika ng ngayo’y naalala ang gutom na si Moy.
“Ate! Anong kakainin ko?” sigaw niya sa ate na hindi na niya matanaw.At naisip na mukhang ang eksperimentong pagkain na gawa ng kanyang ate ang kanyang kakainin para sa almusal at pananghalian.
To be continued…
Thursday, June 10, 2010
Have some...LOVE?
Posted by ..hImE kYiaShi.. at 7:13 AM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

0 comments:
Post a Comment